Ano Ang Hello Garcia?

Ano ang hello garcia?

Ang "Hello Garci" ay isa sa mga hindi malilimutang kontrobersiyang kinasasangkutan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kaugnay ng nangyaring pambansang halalan noong 2004.

Ika-anim ng Hunyo, inilabas ni dating Presidential Spokesperson Ignacio Bunye ang mga CD ng di umanoy usapan nila Pangulong Arroyo at ni dating COMELEC Commissioner Virgilio Garcillano tungkol sa nangyaring dayaan noong halalan 2004.

Makalipas ang ilang araw, lumitaw ang itinuturing na "Mother of all Tapes"  na hawak ni dating NBI Deputy Director Samuel Ong na naglalaman ng mga rekorded na usapan ng isang babae, na hinihinalang si Pangulong Arroyo ay ng isang lalaking inaakala namang si Commissioner Garcillano.

Ang kontrobersiyang ito ay nag-udyok sa mga mambabatas na mag sagawa ng imbestigasyon tungkol sa isyu. Inulan din ng kaliwat kanang pambabatikos ang administrasyong Arroyo dahil dito, kasabay ng panawagang bumaba sa pwesto si PGMA.

Inamin ni PGMA na nakipag-usap nga siya sa isang COMELEC Official nang oras na ng canvassing at humingi ng paumanhin sa kanyang ginagawang aksyon na tinawag niyang "lapse in judgement". Paliwanag pa ni PGMA, nangyari ang kanilang pag-uusap ng di kilalang COMELEC Official pagkatapos ng bilangan ng boto.

Nawala sa eksena si Garcillano matapos lumabas ang mga di umanoy rekorded na usapan nila ni PGMA, ang bali-balita ay nakalabas na ito ng bansa. Matapos ang isang buwan, bigla na lang itong lumutang at kinumpirma ang mga pahayag ng dating pangulo ngunit itinangi na inutusan sya ni PGMA na mandaya sa ginanap na ekeksyon 2004.







Comments

Popular posts from this blog

Paano Mo Ilalarawan Ang Bapor Tabo

2-Root5\Xf72+3root5=Aroot5+B., Find A And B

Ano Kaya Ang Mangyayare Sa Pilipinas Kung Hindi Nailimbag Ang El Filibusterismo