Bakit Kailangang Bigyan Ng Damdamin Ang Isang Gawain?
Bakit kailangang bigyan ng damdamin ang isang gawain?
Marami na sa ngayon ang napapagod o nababagot sa mga gawain. Naghahanap sila ng panibagong inspirasyon sa paggawa. May kulang kasi- ang damdamin. Bakit kailangang bigyan ng damdamin ang isang gawain?
Ang paggawa ay isang bahagi na ng pagkatao ng bawat tao. Nilalahukan niya ng kaniyang buong pagkatao ang kaniyang mga gawa kung kaya nakikita ang kaniyang mga katangian sa kaniyang mga gawa. Imposibleng hindi mo mabibigyan ng damdamin ang isang gawain. Dahil kung hindi, walang matatapos na gawain. Bakit? Dahil hindi ka maliligayahan sa paggawa. Baka hindi mo lamang tapusin ito kung tulad patay ang mga gawain. Kailangan ng init, kulay at buhay.
Simulain sa Bibliya: Eclesiastes 3:9-13 Ano ang pakinabang ng manggagawa sa lahat ng pagsisikap niya? Nakita ko ang gawaing ibinigay ng Diyos sa mga anak ng tao para maging abala sila. Ginawa niyang maganda ang lahat ng bagay sa tamang panahon nito. Inilagay pa nga niya sa puso nila ang magpakailanman; pero hinding-hindi mauunawaan ng sangkatauhan ang lahat ng gawa ng tunay na Diyos mula pasimula hanggang wakas. Nakita ko na wala nang mas mabuti para sa kanila kundi ang magsaya at gumawa ng mabuti habang nabubuhay sila, at na ang bawat isa ay dapat kumain, uminom, at masiyahan sa lahat ng pinaghirapan niya. Regalo iyan ng Diyos.
Comments
Post a Comment